User:CatholicKnows
STA.MARIA, INA NI JUAN MARCOS
Si Maria, Ina ni Juan Marcos Evangelista ay isang mayamang babae ng Herusalem. Aya ay nabanggit sa bibliya "Mary, the Mother of John whose surname was Mark" (Acts 12:12). Sya ay isang disipulo at alagad ni Hesus, sya ay saksi sa mga paghihirap at kamatayan ni Hesus. Isa sya sa mga kababaihang tumangis kay Hesus patungo sa Calvario. Sya ay orihinal na nakatira at isinilang sa Cyprus o Chipre at kalaunan ay lumipat at tumira sa Herusalem. Sya ang may-ari ng bahay na pinag-dausan ng Huling Hapunan at ng Pentecostes. Sya din ang naglinis at naghanda ng mga kagamitan sa Huling Hapunan gaya ng kopa. Sa kanyang bahay din malimit bumisita si San.Pedro.
Ang kanyang imahen ay karaniwang may dalang susi na sumisimbolo sa kanyang tahanan o kopa na sumisimbolo sa Huling Hapunan na idinaos sa kanyang bahay.
Si Sta.Maria de Chipre ay isang Santa ng Simbahang Katolika, sya ay kabilang sa "Roman Martyrology" kung saan sya kinilala bilang "Maria de Chipre" na taliwas sa kaalaman ng iba na "Maria de Herusalem".
Ang kanyang pista ay ginaganap tuwing sasapit ang ika-29 ng Hunyo.
Sta.Maria de Chipre, OraPro Nobis!