User:Jojitcano

From Wikipedia, the free encyclopedia

ALIN BA ANG MAS MAHALAGA: ANG WIKA O ANG KALIKASAN? ni Jose Bernabe N. Cano

LAKAN : “Si Gat Jose Rizal, noo’y nagwika

                     Siya ang nagpangaral sa ating bansa
                     Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
                     Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda!”
                     Ako po ay naparito sapagkat nabalitaan
                     Na dito raw gaganapin ang dakilang Balagtasan
                     Pagkat ako ay makatang naghahanap ng kalaban
                     Ang sinumang katunggali ay hindi ko uurungan!
                     Ngunit ako’y nag-iisa, nasaan ang aking mga kasama?
                     Kung di tuloy ang programa’y mabuti pang umuwi na!
                     Sayang na pagkakataon, eto akong handang-handa
                     Ngunit sa malas ay tila  walang makakasagupa!

LAKANDIWA: Wag na wag kang aalis diyan, makata kong kaibigan

                     	Ako itong Lakandiwa nitong ating Balagtasan
                      	Natrapik lang nang bahagya  sa may banda riyan
                      	Kaya’t saglit na nabalam dito sa ating tagpuan!   
                      Lakandiwang naatasan, pangala’y Nimrod Uno
                      Ang palatuntunang ito’y  pangangasiwaan ko
                      Ngunit teka, sandali nga, bakit tila nawawala dito
                      Ang lakambining katunggali’t kabanggaan mo !    

LAKAMBINI: Ako’y hindi nawawala, dahil ako’y nandito lamang

                   	At nasasabik na ilampaso, ang kalabang nag-aabang
                     	O Ginoong Lakandiwa, ako po’y pahintulutan
                     	Na lumahok sa programang may tagisan ng katwiran!

LAKANDIWA: Halika na dito sa ating tanghalan

                     	At nang itong Balagtasan ay agad  masimulan
                     	Kaagad ipakilala, ang sarili’t pinagmulan
                     	At saka ko ilalahad, paksa ng balitaktakan!
                     Mga madlang nanonood bago kami magsimula
                     Masaigabong palakpakan po sa ami’y ibigay nawa!

LAKAN: Raul Aragon po, Goaeñong naturingan

                     Makata ng aming paaralan, hari nitong Balagtasan
                     Katwiran ko’y parang suntok, mag-ingat baka may matamaan
                     Ang sinumang kalaban ko’y  pansitan ang mapupuntahan!

LAKAMBINI: Joella Pitallano ang pangalan, ang Diyosa ng Balagtasan

                   	Sa talino’t kagandahan, taob ang aking kalaban
                     	Hindi ako nananakot, hindi ako nagbabanta kahit kanino man
                     	Ang huling nakalaban ko, ngayo’y tulog pa sa basurahan!

LAKANDIWA: Ang paksa pong nakalaan, dito sa ating Balagtasan

                   	Alin ba ang mas mahalaga: Ang wika o Ang Kalikasan?
                   	Si Raul ay nagsasabing itong Wika ang dapat pagtuunan
                   	Nararapat ipagtanggol at dapat ding ingatan!
                   Samantalang si Joella ay malaon nang nagsabi
                   Ang Kalikasan ang mamahalin at ditto mamamalagi
                   Kaya hala, mauna na ang panig ng wika at pwede nang mangumbinsi
                   Sige Raul, simulan mo upang malaman na kung sino ang mas matindi!

LAKAN: Itong lahing Pilipino, may sariling pagkatao

                   May kulturang kinagisnan, may sariling alpabeto
                   Katangian at tradisyong minana pa sa ating lolo
                   Nararapat alagaan at pakaiingatan ko!
                   Pagkat tayo’y nag-iisip gamit ang sariling wika
                   Ito rin ang siyang bintana nitong ating kaluluwa
                   Ang dalisay, purong wika ay mahusay na sandata
                   Upang hindi madumihan ng kultura ng banyaga!

LAKAMBINI: Puro ka salita na kulang naman sa gawa

                   	Kaya ang ating kalikasan ay nagmumukhang kawawa
                   	Sa mga pang-aabusong tao rin ang may gawa
                   	Dahil ang inuuna mo ay ang iyong wika!
                   Ano nga ba ang magagawa ng iyong wika?
                   Kung ang kausap mo’y lagi namang tulala

Sa polusyon ng kapaligiran at sakit na nakakahawa

                   Sa pagkabulabog ng kalikasan, dahil sa’yong pagpapabaya

LAKAN: Hindi ako nagpapabaya dahil ako ay tumutulong

                   Kinakausap ko ang mga tao, Malaya man o nakakulong
                   Wagas na pagmamahal sa wika’t kalikasan ay maisulong
                   Sa paraang pasalita, pasulat at kahit pabulong.
                   Hindi ako tulad mo na laging tulog sa gubat
                   At kapag maliligo na ay pupunta sa dagat
                   Ni hindi mo nga alam kung paano magsulat
                   At gamitin ang wika ko upang ika’y mamulat!

LAKAMBINI: Tapos na po ang labanan, ako na po ang nagwagi

                   	Iyang wika mo’y imposibleng maghari
                   	Makasusulat ka ba na gamit lang ang mga daliri?
                   	Kung ‘di dahil sa papel at panulat na punungkahoy ang nagmamay-ari.
                   Patunay na kilangangang ang kalikasan
                   Ito pa nga ang sandata sa pakikipaglaban
                   Mababangis na hayop at masusukal na kagubatan
                   Ay pwede kang matulungan kung sila’y iyong pinahahalagahan!

LAKAN: Ano bang pakikipaglaban ang pinagsasabi mo?

                   Na pwede namang idaan sa paraang diplomatiko
                   Na tulad ng ginawa nina Jose, Francisco at Apolinario
                   Na wika ko ang ginamit, hindi ang kalikasan mo.

                   Tingnan mo na lamang ang mga pulitiko
                   Sa pananalita ay totoong-totoo
                   At kapag nagsimula na silang mangako
                   Ay tiyak na paniniwalaan mo ito.

LAKAMBINI: Ang akala mo ba ay maniniwala na ako sa mga pinagsasabi mo?

                	Kahit saan pa umabot, sa kalikasan pa rin ako.
             

LAKAN: Hindi ko sinasabing ikaw ay sumuko na sa akin

          	           Ang hiling ko lang naman ay wika ang tangkilikin.

LAKAMBINI: Eh tinatangkilik ko naman ah

                	Kaya lang kalikasan ang siyang dapat na mauna.

LAKAN: Ah ganun! E di diyan ka sa kalikasan mo,

                       At dito naman ako sa wika ko.

LAKAMBINI: Talaga! At hindi ako magpapatalo sa isang bakla!

LAKAN: E, sino naman ang bakla!

LAKAMBINI: Ikaw!

LAKAN: Tomboy!

Jonathan: Sandali lang, sandali lang, aking mga kaibigan

                   Lubhang lumalayo kayo sa paksa ng Balagtasan
                   Pakiusap na balikan ang paksa ng talakayan
                   Huminahon at magtimpi sa banggaan ng katwiran
                   Ikaw Joella, konting lamig, at ikaw Raul ay ganun din
                   Ngayon itong Balagtasan itutuloy na po natin
                   Kayong madlang nanood, muli’y aking pipilitin
                   Ialay nang buong sigla, masigabong palakpakan natin!

LAKAMBINI: Ang bilin sa akin ng aking Inang Kalikasan

                   	Ay pagsabihan raw itong sangkatauhan
                   	Na tumigil na sa mga gawang kalokohan
                   	Dahil nakakalbo na ang mga kagubatan.

LAKAN: Huwag mag-alala, aking kaibigan Handang-handa ako na makipagtulungan

                   	Gamit ang wika ko sa pakikipagtalastasan
                   	Upang ang lahat ay aking mapagsabihan.
                   	Wika nga ang higit na kailangan
                   	Kaya itigil na itong ating paglalaban

Wag wasakin ang ating wika, ang akin namang panawagan

                   	Wag patayin ang salita, at wag ding pababayaan.
                	

LAKAMBINI: Kaya nga may Buwan ng Wika Upang magkatotoo ang kahilingan mo Pero ang tema nito’y kasama ang kalikasan ko.

LAKAN: Ngunit itong Buwan Ng Wika na sinasabi mo ay hindi sapat

                   	Mahusay na programa ng gobyerno ang nararapat
                   	Upang ang wikang Filipino ay maiangat
                   	Unang bigyan ng pokus higit sa lahat!

LAKAMBINI: Nasasabi mo ‘yan sapagkat wala kang malasakit

                 	 Habang nilalapastangan ang kalikasa’y mata mo’y nakapikit
                  	 Nagbubulag-bulagan ka sa mga hirap at pasakit
                  	 Dahil ang wika mo pa rin ang siyang iginigiit!

                  Wala ka na bang magagawa maliban sa pagsasalita?
                  E kung ganun, magtinda ka na lang kaya ng suka
                  Baka sakaling yumaman ka’t buhok mo’y hahaba
                  At puputi ang balat mong parang putik at lupa!

LAKAN: Akala mo kung magsalita ay hindi nakakaawa

                  Tingnan mo ang kulay mo’t parang sunog na daga
                  Bagay sa iyo’y ilibing sa ilalim ng lupa
                  At nang sa ganun ay hindi na makahawa
                  Kalikasan mo, sayong-sayo na ‘yan
                  Magtago ka pa sa loob ng kawayan
                  Upang hindi mabawasan ang iyong kayamanan
                  Total pag namatay ka,iyo rin ‘yang iiwanan.

LAKAMBINI: Inggit ka lang dahil ikaw ay pulubi

                  	Napipilitang magnakaw upang makahawak ng salapi                   				Mas mabuti pa sa’yo ang bulag,pipi at bingi
                  	Na kahit may kapansanan ay hindi mapagkunwari

LAKAN: Mapagkunwari ba ang tawag kung ang sariling wika’y tinatangkilik?

                  O ang dalaga na sa kagubatan natutulog at malakas ang hilik

Ngunit kapag nasa harap mo na’y tahimik na tahimik Dahil lumaki sa bundok kaya walang alam na titik.

LAKANDIWA:   Akin muling puputulin, lumalayo ang usapan
                    	Paksa nating sinimulan ang siyang dapat pagtalunan
                    	LinawIn ang sasabihin, wag iwan ang pinag-uusapan
                   	 Alin ba ang mas mahalaga: Ang wika o Ang Kalikasan?
                    Sa pagkakataong ito, kayo’y aking pagbibigyan
                    Huling tindig, huling hirit ng katwiran ay bitawan
                    At ang madlang nakikinig, muli’y aking pakikiusapan
                    Gisingin ang diwang tulog sa ritmo ng palakpakan!

LAKAN: Bawat wika sa daigdig ay may kanyang katangian

                Na dapat na irespeto, at dapat na pag-ingatan
                Bawat lahi’y may kultura, may sariling kakanyahan
                Na dapat tangkilikin at dapat pahalagahan!

Wika ay salamin ng pagkatao

              Dalisay na pundasyon ng ating pagka-Pilipino
              Wika natin ay ingatan, payabungin, paunlarin mo
              Sa pagpanday ng lipunang may paglayang totoo!

LAKAMBINI: Ang bawat nilalang dito sa ibabaw ng ating mundo

              	Ay bahagi ng kalikasan kaya dapat ding irespeto
              	Dahil kapag may nasira alin man sa mga ito
              	Tiyak masama ang idudulot sa ating mga tao
              	Kaya sino ngayon ang masasabing bobo?
              	Ang may pagmalasakit sa kalikasan at sa kinabukasan mo?
              	O ang may pinag-aralang  ginagamit lamang sa pag-aabuso?
              	Kaya nagiging biktima ang walang kalaban- labang kalikasan ko!

LAKANDIWA: Matapos na mapakinggan ang palitan ng katwiran

                  	Panahon na upang silang dalawa ngayon ay ating  husgahan
                  	Sa napakahirap na katanungang

Alin ba ang mas mahalaga: Wika o Kalikasan?

Sana’y lubusan ninyong naintindihan Ang dalawang magkaibang kaisipan Si Raul bilang wika, at si Joella naman bilang kalikasan Sino na ngayon sa dalawa ang gagantimpalaan?

Dito sa Balagtasan ay may natatalo at may nagwawagi Ngunit akong lakandiwa’y nahihirapang magpili Si LAKAN ba o si LAKAMBINI? Sino dito sa dalawang magkatunggali

Sa pagkakataong ito’y sa inyo ko ibibigay ang huling kapasyahan Nasa kamay ninyo na ang kanilang mga kapalaran Ngunit bago kami umalis, ay may isa pang kahilingan Pabaunan nawa kaming tatlo ng masigabong palakpakan!


jojitcano@yahoo.comBold text