Jump to content

User:Matalimhaga

From Wikipedia, the free encyclopedia

Diosa Fe Garcia


Si Diosa Fe E. Garcia ay nagtapos sa Pamantasang Normal ng Pilipinas sa kursong Batsilyer sa Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Filipino. Dito rin niya kinuha ang kursong Campus Writing and Advising. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng Grade 12 Filipino sa Miriam College High School.

Siya ay kilala sa kanyang pag-arte sa teatro at pagiging manunulat. Siya ang nagsulat ng "Tutuldok: Koleksyon ng mga dagling nagtatapos sa Tuldok", "Bilog-bilugan" , "Nang nagmahal si Elena ng Pula" , "Ang Bagong Batas sa Dota" , "Mens" , at marami pang iba. Nakilala rin siya sa kanyang pagganap bilang Maria Clara sa dulang "Walang Forever" sa panulat ni Kim Nathanyel Sejera na itinaghal sa Pamantasang Normal ng Pilipinas at Rizal Park Open Auditorium, "Sir Ma'am Sir" sa panulat ni Emmanuel Barrameda at sa iba pang dula na ginanapan niya.